José Rizal
《Ang "Filibusterismo" (Karugtóng ng Noli Me Tangere)》在 Babelspan 八维工艺分中得 95.8/100,原型归为「架构史诗」。八个维度中,最强的是文笔(97 分),相对最弱的是结局(95 分)。本评分基于样本开窗,各维度给分均附正文摘句证据,属单次可审计尺规评审,非众包星级或安利榜。
HEAD (line 53-101) 题署 J. RIZAL + 1911 Manila I. R. Morales Liwasang Miranda 11-13 + Blumentritt 西班牙语引语"un filibustero ha hechizado en secreto á la liga de los fraileros" + Karugtóng 续篇定位。MID1 (line 204-300) Cap. I Sa Cubierta 蒸汽 Tabò 上行 Pasig 河,doña Victorina 与 Ben-Zayb/Simoun/P. Irene/P. Salví 殖民上层群像。MID2 (line 1350-1550) Cap. IV Si Kabisang Tales 土地诉讼故事 + Fray 修道会强夺 + 农民枪支护卫。MID3 (line 3500-3600) Cap. XI LOS BAÑOS 总督打猎一无所获 + Ben Zayb 伪善报章叙事。MID4 (line 8000-8070) Cap. XX D. Custodio 提案柜"MINUMUNAKALA / NASA SA PAGSUSURI"五卷方案+ eureka 刹那。LATE (line 14500-14700) Cap. XXXVII-XXXVIII Simoun 临终忏悔 + P. Florentino "Sufrir y trabajar"长对话 + 拉雷雅学生审判。TAIL (line 14700-15000) 末段珠宝商沉珠宝入海 + P. Florentino 祝福"Que la naturaleza te guarde en los profundos abismos"收束。5 段约 1600 行, 覆盖 1911 Manila 出版+Tabò 河上行+农民土地+殖民上层+Custodio 方案柜+Simoun 临终+珠宝沉海;他加禄书面语(~g 旧拼)+19 世纪菲律宾民族觉醒长篇。
ANG “FILIBUSTERISMO”[*] (KARUGTÓNG NG̃ NOLI ME TANGERE) (Tinagalog ni PATRICIO MARIANO) Masasapantaha kaagád, na, lihim na nágayuma ñg isáng FILIBUSTERO ang kapisanan ñg mg̃a makapraile at mg̃a laban sa pagkakasulong, upáng, sa pag-alinsunod na waláng malay sa mg̃a udyók ñg kaniláng kalooban, ay makatulong at makapagpalusóg doon sa imbót na íisang bagay ang linalayon: palaganapin ang adhiká ñg FILIBUSTERISMO sa boong bayan at pananaligin ang lahát ñg pilipino na waláng ibáng kaligtasan liban sa humiwaláy sa España. =Ferdinand BLUMENTRITT.= FILIBUSTERO: Galing sa salitáng inglés na _freebooter_; itinawag sa iláng mangdadambóng na lumagusaw sa karagatang Antillas, América, niyong 1700.--FILIBUSTERO din ang tawag sa mg̃a taong nag-uusig na mápahiwalay sa España ang mg̃a lupaíng sakop nitó, sa kabilá ñg mg̃a dagat, kayá’t ang salitáng FILIBUSTERISMO ay waláng ibáng kahulugán kun di ang adhikáng pag-usígin ang paghiwaláy sa nakasasakop.--P. ng̃ T.
卷首 Blumentritt(菲律宾-奥匈学者)引语(由 Patricio Mariano 译 Tagalog)"filibusterismo" 为修士联盟秘密操控殖民政治以分离 España 命名 + _freebooter_ 词源(加勒比海 1700 海盗)+ "mápahiwalay sa España" 分殖民母国——续篇结构首段即立菲律宾民族觉醒长篇。
At si aling Victorina na siyáng tang̃ìng babaing nakiupô sa lipon ng̃ mg̃a europeo ay siyáng makapagsasabi kung ang bapor Tabò ay tamád, masuwayin at masumpung̃in; si aling Victorina, na gaya ng̃ karaniwan ay napakamasindakin, ay nagtutung̃ayaw sa mg̃a kaskó, bankâ, balsá ng̃ niyog, mg̃a indio na namamangkâ at sampû ng̃ mg̃a naglalabá at nagsisipaligò na kinayayamután niya dahil sa pagkakatuwâ at kaing̃ayan! Siya ng̃â namán, kung walâng mg̃a indio sa ilog at sa bayan ay bubuti ang lakad ng̃ Tabò, oo! kung walâng isá mang indio, sa mundó; hindî niya nápupunang ang mg̃a tumitimón ay pawàng indio, indio ang mg̃a marinero, indio ang mg̃a makinista, indio ang siyam na pù’t siyam sa bawà’t isáng daáng sakáy at siyá man ay india rin kung kakayurin ang kaniyang pulbós at huhubarán siya ng̃ ipinagmamalakíng _bata_. Nang umagang iyón ay lalò pang namumuhî si aling Victorina dahil sa hindî siya pinapansín ng̃ mg̃a kalipon, at dapat ng̃â namáng magkagayón, sapagkâ’t tignán ng̃â namán ninyó: magkalipon doon ang tatlông prayleng nananalig na ang boông mundó’y lalakad ng̃ patiwarík sa araw na silá’y lumakad ng̃ matuwíd; isáng walâng pagál na D. Custodio na payapàng natutulog, na siyangsiya ang loób sa kaniyáng mg̃a munakalà; isáng walâng pagod na mánunulat na gaya ni Ben-Zayb (katimbang ng̃ Ibañez) na nag-aakalàng kung kayâ’t may nag-íisíp sa Maynilà ay sa dahilang siya’y nag-íisíp; isáng _canónigo_ na gaya ni P. Irene na nagbibigay dang̃al sa mg̃a parì dahil sa mabuti ang pagkakaahit ng̃ kaniyáng mukhâng kinatatayuan ng̃ isáng ilóng hudío at dahil sa kaniyáng sotanang sutlâ na mainam ang tabas at maraming botones; at isáng mayamang mag-aalahás na gaya ni Simoun na siya mandíng tanung̃an at nag-uudyok sa mg̃a galáw ng̃ Capitán General; akalaìn ng̃â ba namáng magkátatagpô ang mg̃a haliging itó na _sine quibus non_ ng̃ bayan, magkápipisan doon at maligayang nag-uusap, na hindî nabibighanìng malugód sa isáng tumakwil sa pagkapilipina, na nagpapulá ng̃ buhók, ¡bagay ng̃ sukat makabugnot sa isáng Joba!, pang̃alang ikinakapit sa sarili ni aling Victorina
Cap. I Tabò 河上行+doña Victorina+3 prayle+D. Custodio+Ben-Zayb+P. Irene+Simoun"菲律宾的 sine quibus non"——殖民上层群像在蒸汽船上一字排开,Rizal 笔触把人物设计为"国家支柱"加反讽。
Ng̃unì’t ang pang̃arap na itó’y warìng ukol sa hindî pangyayari. Ang unang ginawâ ng̃ bayan, ng̃ mákita ang untîuntîng pagtigháw nilá, ay ang paghahalal na kabisa sa pinakamalakás na gumawâ sa mag-aanak; ang anák na pang̃anay na si Tanò ay may labíng apat na taón pá lamang. Tinawag na ng̃âng kabisang Tales, nang̃ailang̃ang magpagawâ ng̃ _chaqueta_, bumilí ng̃ isáng sambalilong pieltro at humandâ sa paggugugol. Upang huwag makipagkagalít sa Kura at sa Pamahalàan ay pinagpapaluwalan niya ang náaalís sa padrón, ipinagbabayad ang mg̃a umaalís at namamatáy, nag-aaksayá ng̃ maraming panahón sa panining̃íl at pagtung̃o sa _Cabecera_. --¡Magtiís ka na! Ipagpalagáy mong dumatíng ang mg̃a kamag-ának ng̃ buwaya,--ang sabing nakang̃itî ni tandâng Selo. --Sa taóng dárating ay magsusuot ka na ng̃ _de cola_ at paparoon ka sa Maynilà, upang mag-aral na gáya ng̃ mg̃a dalaga sa bayan!--ang sabí-sabí ni kabisang Tales sa kaniyáng anák kailan ma’t mádiding̃íg dito ang mg̃a pagkatuto ni Basilio. Ng̃unì’t ang taóng dáratíng na iyón ay hindî sumasapit at sa kanyá’y nápapalít ang pagdaragdág sa buwís ng̃ lupà; natubigan na si kabisang Tales at nagkakamót ng̃ ulo. Ibiníbigáy na ng̃ lutùang putik ang kaniyáng bigás sa _caldero_. Nang umabot sa dalawáng daang piso ang _canon_ ay hindî na nagkasiyá si kabisang Tales sa pagkamot sa ulo at pagbubuntóng hining̃á: tumutol at bumulóngbulóng.
Cap. IV Kabisang Tales 从"三十比索 canon"到"二百比索"到"给死人穿衣",tandâng Selo 的"鳄鱼"比喻由笑转沉默——节奏以小农-修士-官厅三角压榨层层紧收。
Mahigít nang labíng limáng araw na nasa kamáy niya ang mg̃a kasulatan, at nang umagang iyón, matapos na mapuri ang kaniyáng pagka masusì, ay ìtinanóng ng̃ mataás na kawaní ang kaniyáng kapasíyahan. Si D. Custodio ay sumagót ng̃ lubhâng matalinghagà, na ang ibig sabihin ay yarì na: ang mataas na kawaní ay ng̃umitî, at ang ng̃itîng iyon ng̃ayón ay gumágambalà’t umuusig sa kaniya. Gaya ng̃ sinabi na namin, ang hikab niya’y sunódsunód. Sa isáng pagkilos niya, ng̃ sandalîng idinidílat ang mg̃a matá at inilalapat ang bibíg, ay nápatítig sa mahabàng hanay ng̃ mg̃a sapíng mapulá, na ayós na ayós ang mg̃a pagkakalagáy sa mainam na aklatang kamagóng: sa mg̃a gulugód ng̃ bawà’t isá’y may mg̃a malalakíng titik na ang sinasabi, ay: MAÑGA PANUKALA. Nalimot sumandalî ang kaniyáng mg̃a kagipitan at ang mg̃a pag-ikot ni Pepáy, upang alalahanin na ang lahát ng̃ linálamán ng̃ mg̃a baitang na iyón ay pawàng sumipót sa kaniyáng palanak na ulo sa mg̃a mg̃a sandalîng pagliliwanag. ¡Gaano karaming bung̃ang isip na walâng kamukhâ, gaano karaming maririlág na pagkukurò, gaano karaming mg̃a kaparaanang ikaliligtás sa pagsasalát ng̃ Pilipinas! Kailan pa man ay hindî na siya malilimot at tataglayín niya ang pagkilala ng̃ utang na loob ng̃ bayan!
Cap. XX D. Custodio 提案柜红书脊"MAÑGA PANUKALA / MINUMUNAKALA / NASA SA PAGSUSURI / IPINAG-AANTÁY NG̃ PANAHÓN / PINAGTIBAY / PINIGIL"六卷——Rizal 以殖民官僚提案档案的反讽体暴露殖民议事瘫痪;Mariano 翻译体以~g 旧拼保存他加禄书面语讥诮。
Ang kataastaasang Capitan General at Namamahalà sa Kapulùang Pilipinas ay nang̃aso sa Busóbusó.--Ng̃unì’t sa dahiláng may abay na isáng bandang músika (sapagka’t ang gayóng kataás na tao’y hindî dapat máhulí sa mg̃a santóng kahoy na ipinagpuprusisyón) at sa dahiláng ang pagkagiliw sa dî matingkalâng arte ni Sta. Cecilia ay hindî pa laganap sa ugalì ng̃ mg̃a usá at baboy-damó sa Busóbusó, ay walâng nahuli ni isá mang dagâ, ni ibon, ang General na may kasamang banda ng̃ músika at kaalakbáy na mg̃a prayle, mg̃a militar at mg̃a kawaní. Inakalà na ng̃ mg̃a may kapangyarihan sa lalawigan na may maaalis sa katungkulan ó kayâ’y malilipat; ang mg̃a kaawàawàng kapitán sa bayan at mg̃a kabisa ay hindî nang̃ápalagáy at hindî nang̃ákatulóg sa pang̃ang̃anib na baká masumpung̃án ng̃ maalindog na máng̃ang̃asó ang ipalít silá sa hayop sa gubat na hindî marunong umalinsunod, gaya ng̃ ginawâ na ng̃ isáng _alcalde_ noóng mg̃a nakaraáng araw na napapasán sa tao, sa boô niyáng paglalakbáy, sapagkâ’t walâng mabaít na kabayong maaásahang hindî magbabagsák sa kaniyá. May isáng balitàng kumalat na mayroón ng̃âng gagawín ang General sapagka’t ang gayóng pangyayari umanó ay isáng simulâ ng̃ paghihimagsík na dapat sugpûín kaagád: na ang isáng pang̃ang̃asong walâng náhuli ay makasisirâ sa karang̃alan ng̃ mg̃a kastilà, at ibp., at humanap na tuloy ng̃ isáng kahabaghabág na taong papagsusuutín ng̃ suot usá, nang sinabi ng̃ General (sa udyók ng̃ isáng pagkahabág na hindî natimbang̃án ni Ben Zayb ng̃ salitâng pagpuri) at pinawì ang lahát ng̃ pang̃ambá at sinabi, na siyá’y naaawàng pumatáy ng̃ mg̃a hayop sa gubat.
Cap. XI LOS BAÑOS 总督带乐队出猎一无所获——"总督无能"被当作"叛乱前兆"传开,殖民官僚系统把一切失败都归罪于菲律宾人——Rizal 笔触写 1890s 殖民-起义预兆的世界底色。
Masasapantaha kaagád, na, lihim na nágayuma ñg isáng FILIBUSTERO ang kapisanan ñg mg̃a makapraile at mg̃a laban sa pagkakasulong, upáng, sa pag-alinsunod na waláng malay sa mg̃a udyók ñg kaniláng kalooban, ay makatulong at makapagpalusóg doon sa imbót na íisang bagay ang linalayon: palaganapin ang adhiká ñg FILIBUSTERISMO sa boong bayan at pananaligin ang lahát ñg pilipino na waláng ibáng kaligtasan liban sa humiwaláy sa España. =Ferdinand BLUMENTRITT.= [*] Kung ihuhulog sa wikang tagalog ang salitáng FILIBUSTERISMO ay lubhang hahaba ang pañgalan ñg aklát na itó at marahil ay mangyaring hindi pa mawatasan ñg babasa, kaya't hindi na namin inihulog sa wika natin; ñguni't ílalagáy namán ang katuturán ó kahulugán ñg salitáng itó upang mabatíd noong mg̃a hindi nakaaalam ng̃ kaniyáng kahulugán. FILIBUSTERO: Galing sa salitáng inglés na _freebooter_; itinawag sa iláng mangdadambóng na lumagusaw sa karagatang Antillas, América, niyong 1700.--FILIBUSTERO din ang tawag sa mg̃a taong nag-uusig na mápahiwalay sa España ang mg̃a lupaíng sakop nitó, sa kabilá ñg mg̃a dagat, kayá't ang salitáng FILIBUSTERISMO ay waláng ibáng kahulugán kun di ang adhikáng pag-usígin ang paghiwaláy sa nakasasakop.--P. ng̃ T.
卷首 Blumentritt 西班牙语"filibustero 秘密操控修士联盟" + Mariano 译者脚注"FILIBUSTERO 源出英语 freebooter 1700 年 Antilles 海盗,引申为脱离西班牙的追求者"——首段即以词源学立菲律宾民族觉醒题旨。
ALAALA =sa mg̃a paring G. Mariano GOMEZ= (85 taón) =José BURGOS= (30 taón) =at Jacinto ZAMORA= (35 taón) _na binitay sa Bagumbayan ng̃ ika 28[A] ng̃ Febrero ng̃ taóng 1872._ Sa dî pagsang-ayon ng̃ Relihion na alisán kayó ng̃ karang̃alan sa pagkaparì ay inilagáy sa alinlang̃an ang kasalanang ibinintáng sa inyó; sa pagbabalot ng̃ hiwagà’t kadilimán sa inyóng usap ng̃ Pamahalàan ay nagpakilala ng̃ isáng pagkakamalîng nágawâ sa isáng masamâng sandalî, at ang boông Pilipinas, sa paggalang sa inyóng alaala at pagtawag na kayó’y mg̃a PINAGPALA, ay hindî kiníkilalang lubós ang inyóng pagkakasala. Samantala ng̃âng hindî naipakíkilalang maliwanag ang inyóng pagkakálahók sa kaguluhan, nagíng bayani kayó ó dî man, nagkaroon ó dî man kayó ng̃ hilig sa pagtatanggol ng̃ katwiran, nagkaroon ng̃ hilig sa kalayâan, ay may karapatán akóng ihandóg sa inyó, na bilang ginahís ng̃ kasamaáng ibig kong bakahin, ang aking gawâ. At samantalang inaantáy namin na kilalanin sa balang araw ng̃ España ang inyóng kabutihan at hindî makipanagót sa pagkakápatáy sa inyó, ay magíng putong na dahong tuyô na lamang ng̃ inyóng mg̃a liblíb na libing̃an ang mg̃a dahong itó ng̃ aklát, at lahát niyong walâng katunayang maliwanag na umupasalà sa inyóng alaala, ay mabahiran nawâ ng̃ inyóng dugô ang kaniláng mg̃a kamáy.
献词"敬 1872 Bagumbayan 绞刑的 Gomez/Burgos/Zamora 三教士"——Rizal 以纪念 1872 起义三修士续 Noli,正式把菲律宾民族文学从"觉醒"扩展为"殉道-革命"双经典续篇。
Hindî, ang Dios na siyang katwiran, ay hindî mangyayaring magpabayà sa kanìyang layon, ang layong kalayàan na kung walâ ay walâ namáng katwiran! --¿Kung gayón ay bakit ipinagkaít sa akin ang kaniyang tulong?--ang tanóng ng̃ ting̃ig ng̃ maysakit, na lipús hinanakít. --Sapagkâ’t pinilì ninyó ang isáng paraan na hindî Niya masasang-ayunan!--ang sagót ng̃ parì na matigás ang boses--ang kaluwalhatìang pagliligtás sa isáng bayan ay hindî kakamtín ng̃ isáng nákatulong sa pagpapahirap sa kaniya! Inakalà ninyóng ang dinung̃isan at sinirà ng̃ pagkakasala at kasamâán ay nangyayaring malinis at mailigtás ng̃ isá ring pagkakasala at isá ring kasamâán! Kamalìan! Ang pagtataním ay walâng ibubung̃a kundî kakilakilabot na anyô; ang sala ay mg̃a salarín; tang̃ìng ang pag-ibig ang nakagagawá ng̃ mg̃a bagay na kahang̃àhang̃à, ang kabaitan lamang ang nakapagliligtás! Hindî; kung balàng araw, ang ating bayan ay magiging malayà ay hindî dahil sa masasamâng hilig at pagkakasala, hindî sa paraang pasamâín ang kaniyang mg̃a anák, dayàin ang ilán, bigyán ng̃ salapî ang ibá, hindî; ang kaligtasan ay may kahulugáng kabanalan, ang kabanalan ay pagtitiís at pag-ibig. --Siya! tinatanggáp ko ang inyóng sabi,--ang tugón ng̃ maysakit, makaraan ang isáng sandalî;--akó’y námalî; ng̃unì’t sa dahiláng akó’y námalì ¿ay ipagkákaít na ba ng̃ Dios na iyan ang kalayàan sa isáng bayan at ililigtás ang maraming lalò pang salarín kay sa akin? ¿anó na lamang ang kamalìan ko sa piling ng̃ mg̃a pagkakasala ng̃ mg̃a namamahalà? ¿Bakit pahahalagahán pa ng̃ Dios na iyan ang aking kabuktután kay sa mg̃a daíng ng̃ nápakaraming walâng sala? ¿Bakit hindî akó sinugatan at pinagtagumpáy pagkatapos ang bayan? ¿Bakit binabayàang magtiís ang gayóng karaming mg̃a karapatdapat at mg̃a tapát na loob at nasisiyaháng walâ katigátigatig sa kaniláng mg̃a paghihirap?
Cap. XXXVII Simoun 临终忏悔:"那么上帝为何否定我支持而救比我更有罪的统治者?"+ P. Florentino 答:"救国荣光不归于作俑者!爱方能成事,德方能救民"——临终对话把民族革命与宗教德性撕开,临终谦卑收束。
预渲染页(无 JS 可读)。完整八维摘句与手记链请打开交互详情。
© 2026 通天尺规 Babelspan · 原创内容转载请注明出处 · 版权与转载